Monday, March 17, 2008

cute ka ba?

Kapag sinasabihan ka ng cute, flattered ka ba?

Ako?

Depende..

Kanina lang, nadiskubre ko na hindi lahat ng meaning ng CUTE eh compliment.

cute - [kyoot] adjective


1. attractive in childlike way: endearingly attractive in the way that some children and young animals are
2. physically attractive: young and physically attractive
3. pleasing: smaller than the usual size but nicely arranged or appointed

yan ang sabi ng Encarta Dictionary!



Pero sabi ng iba:


CUTE - [KYÜT]


a.)
pisikal na kaanyuan, dito nabibilang ang mga taong nasa pagitan ng MAGANDA at PANGET.

Gets mo?

level 1 Maganda

level 2 May hitsura ('ika nga ng iba)

level 3 CUTE

level 4 Walang hitsura

level 5 Panget


Anong level mo? (1 ako syempre!) LOL!


b. ) mga taong medyo nakakainis

in what way?

(",) : pare, may dumi ba'ko sa mukha?
(,") : titig mode 'la naman, pare.
(",) : 'yung ilong ko, 'pre, may nakalawit ba?
(,") : silip mode wala, 'tol.
(",) : eh, yung tagyawat ko, 'tol, kitang-kita ba?
(,") : ok lang, normal lang naman 'yan, eh.
(",) : 'di nga, pare? isa pa nga, wala naman ako dumi sa mukha no?
(,") : titig-titig-titig mode PARE, WALA.. ggggrrrr! Actually, ang CUTE mo nga eh!
(",) : thanks, pare, i know naman eh! uhm, may salamin ka ba?
(,") : sura mode CUTE-ang i...!


Ikaw, CUTE ka ba?

No comments: